Ano ang PROFITSHIFT Feature?

Ano ang PROFITSHIFT Feature? (Part I)
By Elzie Zola II

May dalawang goal ang Profit Clicking:

1. Ang maging INSTRUMENTO para makatulong kumita ang mga tao sa pamamagitan ng internet
2. Ang MAIPAGPATULOY ang programa sa loob ng maraming taon para matupad ang # 1 goal.

Hindi makakamit ang dalawang goal na yan kung walang mekanismo para maipatupad yan. Kaya't naisip ni Frederick Mann, ang creator ng Just Been Paid, na siyang pinagmulan ng PC, ang PROFITSHIFT Feature na dati ay kilala bilang RESTART.

Bakit kailangan ang Profitshift?

Para ma-sustain ang isang negosyo, merong mga realidad na dapat harapin. Para sa isang revenue sharing program tulad ng PC, ito ay ang pagdating ng panahon na di makakayanan ng kumpanya na bayaran ang LAHAT ng kita para sa ad packs ng bawa't isang miyembro.

Ito yung punto na mas malaki na ang mga BAYARIN (Liabilities) ng kumpanya kesa sa pumapasok na kita nito o REVENUES (Assets). Kadalasan sa ibang kahawig na programa sa internet, ang kasunod na mangyayari ay magsasara ang programa, at ang mas masaklap ay tangay-tangay ang pera ng mga miyembro.

Ito ang gustong iwasan ng Profit Clicking. Kaya't naglagay ng isang parang SAFETY NET para matiyak na hindi ito ang kahihinatnan ng negosyong ito.

Anong nangyayari kapag may Profitshift?

Kapag pinatupad ang isang Profitshift, may percentage ng Ad Packs ng bawa't kasaling member ang titigil na sa pagkita KAHIT HINDI PA NATATANGGAP ANG BUONG $15 na dapat nitong kitain. Ilang porsiyento ito? Malalaman lang kung ilan sa oras na nangyari na mismo ang Profitshift.

Sa oras na mapabilang ang account mo sa Profitshift, may isang TIYAK NA MANGYAYARI. BABABA ang iyong arawang kita. Bakit? Dahil kung dati ay $10 ang tinatanggap mo mula Lunes hanggang Biyernes dahil meron kang 50 ACTIVE Ad Packs, mababawasan ito kapag 40% nito ay nasali sa Profitshift.

Unfair! Nakupu! Ano ba yan???!!!

Kapag nakahinga na kayo at naibuhos na ang inyong damdamin matapos makita ang resulta ng Profitshift sa account nyo, ito na ang dapat sunod nyong pag-isipan: WALANG NAWALANG PERA sa inyo.

Paanong wala eh nabawasan nga ang kita ko??? PANSAMANTALA lamang po ang kabawasang ito.

Meron bang KAPALIT ang Profitshift?

Yan ang mas magandang tanong. At ang higit na magandang sagot ay MERON!

Una, merong CASH na ibibigay sa yo ang kumpanya. Ito ay bahagi o kabuuan ng dapat sana ay kinita pa ng mga Ad Packs na nadamay sa Profitshift. Kung meron kang 5 Ad Packs na nadamay at kulang pa ng $3 ang dapat nitong kitain bago umabot sa $15, pwede kang makatanggap ng $15 matapos ang Profitshift. So nalugi ka ba? HINDEH!

Pangalawa at mas exciting, nariyan ang CONVERSION ng Ad Packs to PC Panels o yung mga matrix. Baka nakalimutan nyo na isang component kung saan tayo kikita sa PC ay ang PC Panels na magbibigay ng $60 rebate oras na mapuno nyo ito.

When conditions WILL ALLOW it, pwedeng mas madaming PC Panels ang matanggap nyo dahil sa Proftshift kumpara sa regular na bonus PC Panel na natatanggap tuwing may 4 kang expired na Ad Packs. HINDI KAILANGAN UPGRADED KA TO LEVEL 1 PARA MATANGGAP ANG AD PANELS from a Profitshift.

Kung hindi man, MAS LAMANG ka pa din kapag natanggap mo ang PC Panels na kapalit ng prematurely expired Ad Packs mo dahil sa Profitshift.Samakatuwid, HINDI KA NALUGI o MALULUGI dahil sa Profitshift. Ang itatak sa isipan, kinailangan gawin ito para MAGPATULOY ang operasyon ng Profit Clicking.

Part II - Sino ang mga kasali sa Profitshift?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento